Tuesday, September 05, 2006

Art Spaces and Public Service

Uy joy,

sorry kung medyo delayed yung response ko medyo busy. sayang di tuloy kita natext nung opening dati sa fp pero me show kasi kami din darating sa sept 6 sa green papaya. sana makapunta ka. meron din kami sa Sept 12 sa west agllery sa west ave. tapos sa sept 19 sa guijo naman tapos sa sept 28 sa ccp..... grabe deads nako sa dami ng deadline kaya di ko alam kung masasagot ko agad yung tanong mo - pero di naman sa pinapaboran ko ang green papaya - malakas lang kasi ang sustainabiltity nila , and parang mas may direksyon sila or apektado lang ako masyado ng pagkadismaya ko minsan sa mga nangyayari at pagkahinayang sa mga nabuo nang mga programa at art spaces dahil wala masyadong follow-through. Mahirap din kasi talaga pagsabayin ang magtaguyod ng art career at magserbisyo sa eksena. kasi parang public service na din ang mag taguyod ng gallery lalo na kung di siya talaga pangbenta - kailangan kasi ito ng matinding commitment - mahirap gawin para sa mga nagsisimula pa lang magtaguyod ng kanya-kanyang career - it's either maging stepping stone niya lang to ang magtayo ng art space (kaya din kadalasan natatali sa certain personalities ang mga galleries/artist-run-space - meaning nagiging egotistic din ang aims pero subconscious lang siguro yun) or maging stepping stone ng ibang artists na ineexhibit niya dito - in short - parang branding din.

Pero tingnan mo din yung structure ng mga artist-run-spaces sa ibangbansa tulad sa Japan, thailand, singapore, new york at La at kung saan pa para may comparison din kung ang success at failuire rate ng mga ganitong klaseng spaces ba ay natatali din ba sa culture? Parang ganoon din - kasi meron ding nagiging successful na tumatagal ng 10 years although ang structure niya ay kaparehas na din ng mga institution na may mga board of trustees din at nagrorotate ng mga members.

Di kaya parang ganoon lang din ang lifespan ng mga ARS dito sa Pinas ay dahil sa ningas cogon pa din?



Interviewihin mo din sana sina Katya, Wire, Yason and mga taga-museums din tulad nina Eileen, Din Din araneta, si Isa Lorenzo ng silverlens o kaya sina canete, mga teachers mo kung bakit di din nila masyado pinopromote ang magpunta sa mga shows sa mga ARS .he he he



Tsaka kung may great difference ba talaga ngayon ang mga ARS sa mga institutions? ...hhmmm kaya ko nabanggit ito kasi dati parang may ganitong comment si Yasmin (sison) about CCP na parang ARS lang din siya kung mag-operate - na nagaaccept lang sila ng kung sino nagpropose sa kanila para magexhibit pero wala naman talaga silang binibigay na pondo para sa pagexecute ng work, even for cocktails. Sagot lang nila pagprint ng invite ( na ngayon ay pinagsasabay ang 3 ongoing shows sa isang postcard invite) at pagsend out ng press release. ni pera para sa pagtransport ng work, kargo pa rin ng artist. tapos ang sagot lang nila palagi ay dahil gobyerno kasi sila - duh?!



naku pasensya na para na akong naglitanya ng jadedness ko - kulang lang siguro ako sa tulog pero sana makapunta ka sa mga shows namin. Ayus!



L.

08.28.06_L's Article

Hey L,

Panalo yung article mo. I was really impressed, i enjoyed reading it so much. I heard may event last saturday sa FP some 70 artists ba? I missed it though. Anudun ka ba? Okay yung parallelism na ginawa mo about the Art Walk and Cubao X. Never thought of it though before I read you paper pero I think its something interesting to explore. I have a question though. About GP, I'm just wondering I notice yung favorability mo sa practice ng GP.

Do you think that there is the word 'maturity' is significant to mention over the success of GP? They've been running for apparently 6 years the longest running space among the ones you mentioned and the people primary running them are ...well to a certain extent has already attained a certain level of maturity already as artists. San kaya sa tingin mo naging tama ang GP to have run that long and have attained the success they already have?


Ako ulit,
Joy